Tara basa muna tayo ng mga articles mula sa Interaksyon.com(Interaktv) at Spin.Ph:
http://www.interaksyon.com/interaktv/caguioa-frustrated-anew-with-ginebra-rebounding-aguilar-says-twin-towers-need-help
http://www.interaksyon.com/interaktv/ive-been-yelling-at-them-mark-caguioa-lights-fire-under-ginebra-towers-for-better-rebounding
http://www.spin.ph/sports/basketball/news/its-wrong-to-blame-twin-towers-for-ginebras-rebounding-woes-says-aguilar
http://www.spin.ph/sports/basketball/news/rebounding-ball-movement-are-caguioas-main-concerns-ahead-of-globalport-rematch
Okay game na, etong mga sasabihin ko eh opinyon ko lang naman sa mga nangyayari. Wala akong sinisisi oh anu man, pero sa tingin ko eh meron din naman akong mga kabarangay na pareho ang aming mga sentimyento.
Para sa akin, walang mali sa ginagawa ni Mark "The Spark" Caguioa sa mga pagpuna niya sa Twin Towers ng Ginebra. Bilang isang leader isang magandang ehemplo ang pinapakita niya sa pagpuna ng kakulangan ng kanyang mga kakampi.
Pero isang bagay lang ang gusto kong ipunto, hindi ba pwede na sa "dugout"o "gym" na lang niya sila punahin? At wag nang ilabas sa media?
Kasi aminin natin, sa mga naglalabasan mga articles, may mga "HATERS" na natutuwa sa mga ganyan( lalo na ang nagreact si Japeth) at gumagawa ng mga kuro kuro na kesyo nakakasira daw ng team ang ginagawa ni Mark at Japeth.
Pero masisisi ba natin si Japeth at Greg? OO, may mga larong natatalo tayo sa rebound, pero bakit ba tayo natatalo? Alam naman natin na mahilig humabol sa "palpal" sina JA at GS, at pag ganun ang nangyayari may tendency talaga na ang makakakuha ng rebound eh yung bantay ng twin towers ng barangay na humahabol sa palpal.
Sa tingin niyo, ano ang solusyon sa bagay na yun? Hindi na pumalpal sina JA at GS? Syempre hindi, dyan pumapasok ang "Gang Rebounding". Sa bagay na yun, dadami ang rebounds natin at mas dadami ang ball possessions natin.
Tignan natin ang rebounding stats ng iba sa mga players natin.
(Thanks to http://www.pba-online.net/team/Barangay-Ginebra-San-Miguel/3/player-stats/)
Caguioa:
2011-2012: 4.76 rebs
2012-2013: 4.51 rebs
This Season: 3.00 rebs
Ellis:
2012-2013: 4.63 rebs
This Season: 3.71 rebs
Baracael:
2012-2013: 2.65 rebs
This Season: 2.29 rebs
Tenorio:
2012-2013: 5.00 rebs
This Season: 5.14 rebs
Sa apat na players natin, si LA lang ang umangat ang rebounding stat, di ko sinasabi na may malaking pagbaba ang 3 pa natin kabarangay pagdating sa rebounding, pero bakit bumaba? Dahil sobrang umasa ba sa Twin Towers?
Kaya kung gusto manalo sa rebounding battle, mag tulong tulong :) Hindi rason na may matangkad sa team nyo, kasi at the end of the day, 5 on 5 pa din ang laro sa PBA :)
Goodvibes lang tayo :) NeversayDie!