15 taon bilang isang tagasubaybay ng Ginebra. 15 taon ng pinagmamalaking isa akong kabarangay. 15 taon ng binubuhay ang tradisyon ng aking pamilya.
Sa loob ng 15 taon, nakaka 5 kampeonato na ang Ginebra. Ang bawat Kampeonatong iyon ay parang Piyesta sa ating mga Kabarangay. Oo, 4 na taon na tayo hindi nakakakuha ng Kampeonato, pero ano naman ngayon? Ito ang maganda sa pagiging isang Kabarangay, wala tayong pakialam kung ilang talo ang makuha natin, ang mahalaga'y masuportahan natin ang ating pinakamamahal na koponan.
Isang bagay na masasabi kong naibigay sa akin ng aking mga magulang ay ang pagmulat nila sa akin bilang isang kabarangay, at yung ang bagay na talagang maiipagasalamat ko sa kanila.
Ang sarap kasi maging isang Kabarangay! Tagay! Lahing Ginebra!
" Philip Zuñiga is a Software Engineer at NetworkLabs Inc. He is a certified sports fan since 1996. "
No comments:
Post a Comment