Di naman siguro bago kahit sa mga Liga ng Barangay o Intrams sa isang paaralan ang pagrereklamo natin sa mga reperi pag may mga maling tawag sila. At madalas ay nagagalit tayo sa kanila, pero ang iniisip na lang natin ay sige na nga, hindi naman kasi lahat nakikita ng mga reperi eh, tao rin naman sila.
Pero hindi na biro ang mga nangyayari sa isa sa mga prestihiyosong Liga sa Asya. Parang normal na bawat laro na may mga tawag na talagang hindi nakakaaya sa mga nanunuod.
Bakit madalas ng hindi "consistent" ang mga tawag ng reperi? Nasisira sa mga tawag na yan ang potensyal ng isang magandang laro.
Umaasa ang Barberspeak Blog na maayos ng mga Opisyal ng Liga ang mga problema sa mga Reperi. Wag sana madungisan ang kredibilidad ng Liga dahil sa kanila.
Mga Reperi, Gising Gising sana tayo ;)
" Philip Zuñiga is a graduate of Philippine Normal University. He is a certified sports fan since 1996. "
*The blog does not own the image.
No comments:
Post a Comment