Contrary to popular belief, there most certainly is an "I" in "team." It is the same "I" that appears three times in "responsibility."
~Amber Harding

Tuesday, September 20, 2011

Marcus Douthit, Yan ang Pinoy!

Nakakatuwang isipin na ang isang Amerikano na pumayag maging Pilipino ay mas nagpapakita pa ng tunay na katangian ng isang tunay na pinoy kumpara sa ibang Pinoy at "Fil-am" na manlalaro sa ating bansa.

Pinapakita ni Marcus Douthit, 6 na buwan palang Pilipino, ang tibay ng dibdib sa pagrerepresenta sa ating bansa. OO sasabihin ng iba, " Eh syempre malaki bayad sa kanya! "
pero kung iisipin natin, maaari naman niyang hindi ibigay ang lahat ng lakas niya, dahil may rason siya. Pero iba ang mamang to, talon ng talon, walang pakundangang kumuha ng rebound, pumalpal, at umiskor kung kinakailangan. Hindi niya iniinda ang kanyang injury. 

At dahil sa kanyang performance, nabubuhayan ang kanyang mga kasama, kitang kita ang ganda ng ating depensa, talagang pinapakita ng Smart Gilas Pilipinas na handa na sila, lalaban sila para makapasok sa Olympics. 

Sa pinapakita mo Marcus, pinapatunayan mo na karapat dapat lang na ikaw ang pinili ng Gilas. Wala ka pang yabang sa katawan, at dahil diyan SALUDO kaming mga KAPWA MONG PILIPINO SAYO! 


* a tagalog article was made to celebrate the win of the Gilas to Japan with the leadership of Big daddy Douthit..


" Philip Zuñiga is a graduate of Philippine Normal University. He is a certified sports fan since 1996. "

No comments:

Post a Comment