Contrary to popular belief, there most certainly is an "I" in "team." It is the same "I" that appears three times in "responsibility."
~Amber Harding

Saturday, April 21, 2012

Si Caguioa sana ang Manalo

1. Gary David
2. Mark Caguioa
3. Marcio Lassiter
4. Cyrus Baguio
5. LA Tenorio
http://www.interaksyon.com/interaktv/david-caguioa-top-candidates-for-best-player-of-commissioners-cup

     Ang limang pangalan na yan ay ang mga kandidato para sa pinakamagaling na Local sa Torneyong ito. Kung ating titignan, iisipin ng nakararami na si Granada Gary David ulit ang mananalo para sa prestihiyosong award na ito.

     Pero kung ako ang tatanungin, iisang pangalan lang ang nasa isip ko na karadapat dapat manalo. Ito'y walang iba kungdi si Kulotski Doodle Mark Caguioa. Hindi dahil siya ang pinakapaboritong manlalaro ko kung bakit siya ang napili ko, napili ko si The Spark dahil sa mga sumusunod na rason:

   1. Sa limang manlalaro, siya lang ang walang kakampi sa listahan. Paano magigig "pinaka MAGALING" kung dala-dalawa kayo sa listahan?

   2. Ito ang pinaka magandang torneyo ni MC47 pagdating sa rebounding, patunay na mas nagiging all-around player siya.

   3. Siya ang numero unong "scoring option" ng team, na naging dahilan kung bakit sila ang pangalawang pinaka magaling na koponan sa eliminasyon.

    4. Nang nadali si MC47 ng injury, kitang kita kung paano namroblema ang Gin Kings sa pag iskor.

    5. Sa 5 manlalaro, ang koponan ni Caguioa ang nakatapos ng mas mataas na posisyon(Ikatlong Pwesto).


" Philip Zuñiga is a Software Engineer at NetworkLabs Inc. He is a certified sports fan since 1996. "
*This blog does not own the image.

No comments:

Post a Comment